^

Metro

Lolo pinagselosan ng kapwa lolo, inatado

-
Pinagsasaksak at napatay ng isang lolong jeepney driver ng isa ring lolo na kanyang kapitbahay na matinding nagselos dahil sa pakikipagkuwentuhan ng una sa misis ng huli, kahapon ng ng umaga sa San Andres Bukid.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang si Joselito Sta Maria, 58, ng Diamante St., San Andres Bukid, Manila sanhi ng hindi mabilang na saksak na tinamo sa katawan.

Pinaghahanap naman ang suspect na si Rene del Rosario, 60, isa ring jeepney driver at kapitbahay ng biktima na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa may Onyx St., San Andres Bukid, Manila.

Bago naganap ang insidente, sinasabing naglilinis ng kanyang jeepney ang biktima sa Onyx St., nang lapitan ng suspect at sunud-sunod na undayan ng saksak sa katawan.

Sa imbestigasyon, inamin ni Aling Inerva, 56, misis ng nasawi na matinding selos ang nagtulak upang patayin ng suspect ang kanyang asawa. Sinabi nito na palakaibigan ang kanyang mister at madalas na nakikipagkuwentuhan sa misis ng suspect na maaaring minasama ito ng huli. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALING INERVA

DANILO GARCIA

DIAMANTE ST.

JOSELITO STA MARIA

ONYX ST.

PINAGHAHANAP

PINAGSASAKSAK

RENE

SAN ANDRES BUKID

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with