Ang water service interruption ay magbibigay-daan sa emergency repair ng tumatagas na 600mm mainline sa Dayao St. sa pagitan ng Infanta St. at Gamban St., Tondo, Manila. Maaapektuhan ng 12-oras na pagkaantala ng tubig ay ang buong Balut at San Rafael Village, Tondo, Manila.
Ang proyektong ito ay naglalayong lalong mapabuti ang serbisyo ng Maynilad sa mga nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga apektadong consumers na mag-imbak ng tubig o mag-text sa SMART 7001626 para sa water-rationing schedule.