^

Metro

3-anyos inihagis, patay sa mister ng yaya

-
Isang 3-anyos na batang babae ang nasawi makaraang ihagis mula sa ikatlong palapag ng isang gusali ng isang 67-anyos na lolo na asawa ng yaya ng una, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital ang biktimang si Aira Blan, ng Purok 3, Brgy. Lower Bicutan ng nabanggit na lungsod.

Bugbog-sarado naman sa taumbayan ang suspect na si Marciano Garado, tubong Tacloban, walang permanenteng tirahan at nakapiit sa Taguig City police.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi nang magtungo ang suspect sa tinitirhan ng biktima dahil sa ang kanyang misis na si Aling Teresa ay yaya ng paslit.

Biglang kinuha ng suspect ang bata sa kamay ng kanyang misis na hindi naman tinutulan ng huli sa pag-aakalang aalagaan ito ng mister.

Nabigla na lamang ito nang mula sa ikatlong palapag ng bahay na tinitirhan ng mga magulang ng bata ay biglang inihagis ng suspect ang biktima. Tumama ang ulo nito sa semento hanggang sa dinala ang bata sa nabanggit na pagamutan, ngunit namatay ito habang ginagamot.

Nabatid na pinaghigantihan ng suspect ang paslit makaraang magalit ito sa kanyang misis nang iwanan siya nito.

Ang alagang bata ang sinasabing pinagdiskitahang gantihan ng suspect. (Lordeth Bonilla)

AIRA BLAN

ALING TERESA

BIGLANG

BINAWIAN

BRGY

LORDETH BONILLA

LOWER BICUTAN

MARCIANO GARADO

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with