Kilos protesta, noise barrage ngayon ng transport groups
May 15, 2006 | 12:00am
Bilang pantapat sa lingguhang pagtaas ng presyo ng krudo ay uumpisahan na ngayong araw ng mga militanteng grupo ang kanilang lingguhan ding pagsasagawa ng kilos-protesta at noise barrage sa buong National Capital Region (NCR), upang kalampagin ang administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa patuloy na oil price at fare hike sa bansa.
Sa panayam kay George San Mateo, spokesperson ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), magsasanib ngayong alas-5 ng hapon ang kanilang grupo; Kilusang Mayo Uno (KMU); NAKPAWIS, MIGRANTE at ANAKBAYAN at iba pang Non Government Organizations (NGOs) sa pagbubukas ng lingguhang noise barrage bilang pagkondena sa lingguhang pagtaas ng krudo.
"Today is the start of our wekly protest to highlight our demand. This will serve our preparation for a nationwide transport strike on June if GMA ignores our grievances," pahayag pa ni San Mateo.
Magtitipun-tipon ang mga raliyista at magsasagawa ng programa sa harapan ng Bantayog ni Gat. Andres Bonifacio sa Monumento, Caloocan City.
"Weekly na ang itinataas ng krudo, just what the Department of Energy said na until July ay weekly ang oil hike. Fare hike is no good for us dahil sa ngayon kasi ay hirap ang tao, mataas ang bilihin at walang wage hike," ayon pa kay San Mateo.
Nagbabala pa ang mga militanteng grupo na posibleng sasalubungin nila ng mas matindi at mas malawak na transport strike ang pagbubukas ng klase sa Hunyo kung patuloy na magbibingi-bingihan si PGMA sa kanilang panawagan na resolbahin ang implementasyon ng price control ng krudo.
"We call on the GMA government to certify to Congress the immediate repeal of oil deregulation law and implement price control on oil," sinabi pa ni San Mateo.
Sinabi pa ng mga militanteng grupo na hindi nila tatantanan ang pagsagawa ng kilos-protesta sa halip ay mas lalo pa nilang paiigtingin ang pagkalampag sa gobyerno kapag hindi mareresolbahan ng administrasyong Arroyo ang kanilang mga hinaing. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended