Witness sa treasure hunting sa PSBA, pinagbantaan
May 15, 2006 | 12:00am
Tahasang sinabi ni Rodrigo Manangan, tumayong supervisor ng hunting expedition sa loob ng 15 taon sa Philippine School of Business Administration (PSBA) na nakakatanggap na ang kanilang grupo ng mga pagbabanta matapos na ilang sasakyan ang nakitang palibut-libot sa lugar ng kanilang safehouse.
Ayon kay Manangan, hawak nila ang plaka ng sasakyan na umiikot sa kanilang safehouse at maging ang kanyang pamilya ay kinausap na rin ng ilang lalaki na pawang nagpakilalang mga tauhan ng PSBA.
Itoy matapos na isiwalat ng pitong construction worker ang umanoy nagaganap na treasure hunting sa PSBA na pinangungunahan ng Vice President for Finance ng kolehiyo na si Juan Lim at Presidente nito na si Atty. Benjamin Paulino.
Si Lim ay una nang kinuwestiyon ng ilang opisyal ng PSBA bunsod ng peke nitong dokumento na nagsasaad na mayroon siyang doctoral degree. Subalit sa records ng UST hindi nakatapos si Lim ng kanyang doctorate at wala itong karapatang maglagay ng Ph.D degree sa kanyang pangalan.
Sinabi ni Manangan na sinabihan pa umano ng grupo ni Lim ang kanyang kapatid na itigil na ang posibleng pagtestigo kung ayaw umano nitong may masamang mangyari sa kanyang pamilya.
Sa ngayon ay hawak na ng ilang opisyal ng PSBA ang endorsement ni Executive Secretary Eduardo Ermita kay DENR Secretary Angelo Reyes upang imbestigahan ang illegal treasure hunting sa loob ng naturang kolehiyo.
Nababahala din ang mga estudyante at ilang faculty member sa kawalang aksiyon ng pamunuan ng PSBA lalo pat naging ampaw ang lupang kinatitirikan ng nabanggit na kolehiyo. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended