Pintor, dedo sa gang war
May 15, 2006 | 12:00am
Patay ang isang pintor ng bahay makaraang mabaril nang maipit sa gitna ng isang gang war ng mga kabataan kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.
Dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Johnny Boy Pancho, 33, ng no. 410-C Int. 27, Tondo, Maynila habang ang suspect ay nakilalang si Ope Rodrigo ng nabanggit ding lugar.
Batay sa ulat ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas 12:30 ng madaling araw sa panulukan ng Sevilla at Perlas Sts. sa Tondo kung saan nangyari ang rambol ng dalawang grupo ng kabataan.
Dala ng ingay ng away ng dalawang grupo, nagising at agad na hinanap ang kapatid na si Michael na pinangangambahang kasali sa rambol.
Naglalakad ang biktima nang biglang sumulpot ang suspect at tatlong ulit na binaril sa mukha at katawan ang una at saka mabilis na tumakas. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest