Tsinoy trader, utas sa ambush
May 14, 2006 | 12:00am
Isang Filipino-Chinese businessman ang binaril at napatay ng mga hindi pa nakikilalang mga suspect na kapwa sakay sa isang motorsiklo, kahapon ng hapon sa Quezon City.
Namatay habang ginagamot sa Capitol Medical Center ang biktimang si Hudson Chua, 42, matapos na magtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan.
Batay sa inisyal report ni Supt. Raul Petrasanta, hepe ng Quezon City Police District-Baler Police Station, naganap ang pamamaslang dakong alas-3:10 ng hapon sa Quezon Ave. Quezon City.
Kalalabas lamang ng biktima mula sa Westport Restaurant sa Quezon Ave. nang biglang lapitan ito ng mga suspect na sakay ng motorsiklo na walang plaka.
Isa sa mga suspect ang bumaba at malapitang binaril ng dalawang ulit si Chua sa dibdib at saka mabilis na tumakas.
Hindi naman kinuha ng mga suspect ang anumang personal na gamit ng biktima kung kayat agad na iniaalis ng pulisya na hold-up ang motibo.
Ayon kay Petrasanta, nakikipag-ugnayan pa sila sa pamilya ng biktima upang malaman ang posibleng motibo ng pamamaslang. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended