^

Metro

4 na pulis-Maynila na nahuli sa drug bust itinanggi

-
Mistulang pinagtanggol ni Manila Police District (MPD) director, C/Supt. Pedro Bulaong ang apat niyang pulis na nahuli ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa isang drug bust operation sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Nagbanta rin si Bulaong na sasampahan ng kaso ang mga tauhan ng CIDG na nanghuli sa kanyang mga tauhan na sina PO3 Mike Fabian Ongpauco, PO2 Jonathan Ruiz, PO1 Erwin Castro at PO1 Dranreb Cipriano, pawang mga nakatalaga sa MPD-District Anti-Illegal Drugs.

Sinabi ni Bulaong na isang lehitimong operasyon din ang isinasagawa sa loob ng isang fastfood chain sa Hermosa, Tondo ng kanyang mga tauhan matapos na makatanggap ng impormasyon na may isasagawang drug deal.

Habang nasa loob ng fastfood, dito na pinalibutan ng mga tauhan ng CIDG ang apat na pulis. Rumesponde naman ang ilang tauhan ng MPD-Special Weapons and Tactics unit at mga miyembro ng Station 7 kung saan muntik nang magkaputukan nang magkasahan ng baril ang pare-parehong mga pulis.

Itinanggi naman ni Bulaong na may nakuhang 2 kilong shabu na nagkakahalaga ng P3.6 milyon sa kanyang apat na pulis.

Kinuwestiyon pa rin nito ang CIDG at Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) dahil sa kawalan ng koordinasyon sa MPD nang magsagawa sila ng sariling operasyon sa Maynila.

Hihilingin din umano ni Bulaong kay PNP Chief, Director General Arturo Lomibao na magsagawa rin ng imbestigasyon sa mga tauhan ng CIDG. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BULAONG

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

DRANREB CIPRIANO

DRUG ENFORCEMENT UNIT

ERWIN CASTRO

JONATHAN RUIZ

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with