^

Metro

4 pulis Maynila huli sa P3M drug bust

-
Apat na tauhan ng Manila Police District (MPD) ang nasakote ng pinagsanib na elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa P3 milyong drug bust operation sa lungsod ng Maynila kahapon ng hapon.

Kinilala ni PNP-CIDG spokesman Supt. Benjamin de los Santos ang mga nasakoteng suspect na sina PO1 Edwin Castro, PO2 Jonathan Ruiz, PO2 Fabian Ongpauco at Dranreb Soriano, pawang aktibong kasapi ng Manila’s Finest.

Ayon sa mga opisyal ng PNP-CIDG, muntik nang magkaputukan ang mga operatives ng PDEA, ng kanilang grupo at ng team ng MPD matapos na maggirian ang mga ito sa naturang drug bust operation kung saan isang mataas na opisyal ang nagtangka pa umanong umarbor sa inarestong mga suspect.

Nabatid na dakong alas-3 ng hapon nang magsagawa ng drug bust operation ang mga operatiba sa panulukan ng J. Abad Santos at Hermosa sa pagitan ng Sta. Cruz at Tondo, Manila.

Gayunman, natunugan ng mga suspect na mga tauhan ng PNP-CIDG at PDEA operatives ang kanilang ka-deal sa 2 kilo ng shabu kaya’t nagkaroon ng tensiyon matapos maaktuhan ang mga suspect na nagbebenta ng ilegal na droga.

Dahil dito ay nagkaroon ng tatlong oras na stand-off sa pagitan ng magkabilang panig bago nasakote ang mga suspect.

Nasamsam mula sa sasakyan ng mga suspect ang tinatayang P3 milyong halaga ng shabu.

Ang mga suspect ay dinala na sa tanggapan ng PDEA habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga ito. (Joy Cantos)

ABAD SANTOS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DRANREB SORIANO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EDWIN CASTRO

FABIAN ONGPAUCO

JONATHAN RUIZ

JOY CANTOS

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with