Pangasinan congressman biktima ng carjack
May 11, 2006 | 12:00am
Muli na namang sumalakay ang big-time carjacking syndicate sa lungsod Quezon at ang pinakahuling biktima ay si Pangasinan Congressman Amado Espino sa Visayas Avenue, Quezon City kamakalawa ng gabi.
Ayon kay PNP-Traffic Management Group (TMG) director Chief Supt. Errol Pan, dakong alas-9 ng gabi nang tangayin ng mga carjacker ang kulay puting Nissan Patrol ng kongresista na may plakang XRJ-620 sa harapan ng isang pharmacy sa nabanggit na lugar.
Ayon kay Cesar Elipaso, driver ni Espino, ipinarada niya ang naturang sasakyan sa harap ng pharmacy para bumili ng gamot nang bigla siyang lapitan ng tatlong armadong suspect.
Sinabi pa ni Elipaso na agad siyang hinawakan sa kuwelyo ng isa sa mga suspect habang ang dalawa pa ay tinutukan siya ng baril at sapilitang kinaladkad pababa sa behikulo.
Sinabi ni Pan na tumagal lamang ng 2 hanggang 3 minuto ang ginawang pag-carjack subalit mahigit sa 30 minuto bago ito nai-report sa mga awtoridad kayat nabigo na silang mahabol pa ang mga suspects.
Nabatid na inutusan lamang ni Congressman Espino ang kanyang driver na bumili ng gamot nang mangyari ang insidente. Sinabi pa ng opisyal na inalerto na niya ang kanyang mga tauhan upang mabawi sa lalong madaling panahon ang sasakyan ni Espino at masakote ang mga carjacker. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended