2 sundalo, 5 pa arestado sa holdap
May 10, 2006 | 12:00am
Naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Novaliches Police Station ang pitong robbery suspect na kinabibilangan ng dating miyembro ng Philippine Air Force at dating Philippine Military Academy cadet na sinasabing responsable sa sunud-sunod na panghoholdap sa mga kostumer ng ibat ibang establisimiyento sa nasabing lungsod.
Iniharap ni QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan Jr. ang mga suspect na sina Marion Mendoza, 30, dating PAF member; Jerome Barrios, 27, ex-PMA cadet; Danilo Biliran, 38; Roy Pelare, 30; Rogelio Mendoza, 41; Antonio Antoque, 28; at Elec Marcon, 32.
Ayon kay Radovan, ang pagkakadakip sa mga suspect ay bunsod na rin ng isinagawang follow-up operation ng mga pulis matapos na magreklamo ang biktimang si Annabel Locsing, ng #44 Baesa Road, Quezon City na hinoldap kamakalawa ng grupo.
Partikular na kinilala ni Locsing ang mga suspect na sina Biliran, Pelare at Marcon na nangholdap sa kanya habang nasa JJs Rice Dealer sa Brgy. Baesa, Quezon City.
Makalipas ang isang araw ay muli na namang umatake ang nasabing grupo kung saan biniktima naman ng mga ito sina Minda Rayala at Arvy dela Fuente, kapwa residente ng #921 Armstrong Avenue, Brgy. Moonwalk, Parañaque. Sina Rayala at dela Fuente ay hinoldap ng grupo habang nasa loob ng 1950s Hair Salon kung saan nagpanggap na mga kostumer ang dalawa sa mga suspect habang naghihintay sa labas ang iba pang kasamahan. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest