Warrant of arrest vs Eli Soriano inilabas na
May 10, 2006 | 12:00am
Nagpalabas na ng warrant of arrest ang korte laban kay Eliseo "Eli" Soriano ng "Ang Dating Daan" kaugnay ng dalawang kasong rape na kinakaharap nito.
Ang warrant ay ipinalabas ng Regional Trial Court Third Judicial Region, Branch 54 ng Macabebe, Pampanga.
Umaabot naman sa P120,000 ang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.
Ang kaso ay bunsod sa reklamo ni Daniel Veridiano, dating aide ni Soriano at secretary general ng grupo.
Ayon kay Veridiano nagsimula siyang abusuhin ni Soriano noong Mayo 17, 2000 at Hunyo 8, 2001 sa loob ng silid ng huli sa convention center sa Apalit, Pampanga.
Ayon pa sa sumbong ng biktima na ipinatawag siya ni Soriano sa kuwarto nito para umano imasahe siya. Pero laking gulat niya nang utusan siya nitong maghubad at saka tinabihan sa kama at doon isinagawa ang panghahalay.
Ito umano ay naulit noong Hunyo 8, 2001. Nasaksihan din umano niya na ginawa ito ni Soriano sa iba pang miyembro ng grupo.
Itinatanggi ni Soriano ang paratang sa kanya kasabay nang pagsasabing kailaman ay hindi naging assistant secretary general ng ADD si Veridiano.
Fabricated, baseless at malisyoso umano ang ginawang paratang ni Veridiano sa kanya.
Sa kabila nito, kinatigan pa rin ng korte ang pagsasampa ng kasong rape laban dito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest