^

Metro

7 miyembro ng ‘anting-anting’ gang, timbog

-
Dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong miyembro ng isang "swindling syndicate" na puwersahang nagbebenta ng mga sanga ng puno at halaman na umano’y mga anting-anting sa Parañaque City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Alfredo Molina; Renato Ocenar, kapwa ng Bagont Tanyag, Taguig; Eduardo Reyes; Jessie Vital; Lenny Gutierrez, pawang residente ng San Jose, Antipolo City; Lorena Guarino at Alma Orag, kapwa ng Talaba II, Bacoor, Cavite.

Sa ulat kahapon ng NBI-National Capital Region, sinabi ng mga biktima na hinarang sila ng mga suspect sa isang mataong lugar sa Baclaran, Parañaque City nitong Mayo 3 kung saan binigyan sila ng libreng sabong panlaba at raffle ticket.

Napapayag naman sila ng isa sa mga suspect na pumasok sa isang tent kung saan nakapuwesto ang umano’y isang manghuhula. Muli umano silang binigyan ng isang maliit na sanga na umano’y magbibigay sa kanila ng suwerte ngunit hiningian ng P50 na donasyon. Muli naman silang hiningan ng P300 para naman sa isang kuwintas na umano’y isang anting-anting.

Ayon sa biktima, ayaw sana nilang magbigay ng pera ngunit natakot sila sa mga miyembro ng grupo na nakapaligid sa kanila. Isa sa mga biktima ang nagbigay pa ng P600 kapalit ng isang putol na kahoy na tinatawag na "sinag-araw" na magbibigay umano ng kapangyarihan.

Agad namang humingi ng saklolo ang mga biktima sa NBI na nagsagawa ng surveillance sa naturang lugar. Agad din namang naaresto ang mga suspect matapos na positibong kilalanin ng mga biktima.

Nakadetine ngayon sa NBI detention cell ang mga suspect at nahaharap sa kasong paglabag sa Article 318 ng Revised Penal Code (Other Forms of Deceit). (Danilo Garcia)

ALFREDO MOLINA

ALMA ORAG

ANTIPOLO CITY

BAGONT TANYAG

DANILO GARCIA

EDUARDO REYES

ISANG

JESSIE VITAL

LENNY GUTIERREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with