Ito naman ang nagkakaisang hiling nina Atty. Jose Icaonapo Jr. ng Integrated Bar of the Philippines; Tito Genilo ng The Association of Mindoreños; Election Lawyer Francisco Sibayan, Lawyer at CPA Godofredo Arquiza at Labor Management consultant Ernesto Dinopol.
Ayon kay Icaonapo, ang commutation ay posibleng magdulot lamang ng mas matinding sakit ng loob at pagdurusa ng mga biktima na patuloy na naghahangad ng hustisya.
Aniya, posibleng ilagay na lamang ng publiko sa kanilang mga kamay ang batas sakaling mabasura ang parusang kamatayan.
Pinangangambahan ding lalo pang lumala ang krimen sa bansa at lumaganap ang mga karumal-dumal na krimen. (Doris Franche)