Obrero hulog sa gusali

Nasawi ang isang constructin worker makaraang mahulog sa ika-apat na palapag ng itinatayong paaralan kahapon ng umaga sa Makati City.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Lewelie Cristobal ng Criminal Investigation Unit, dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Angelito Fayusal, 35, stay-in ng St. Paul School sa P. Burgos St. Brgy. Poblacion ng nabanggit na lungsod.

Nahulog umano ang biktima habang natutulog matapos na makipag-inuman sa kanyang mga kasamahan.

Lumilitaw na under construction ang gusali ng paaralan kung saan pinaniniwalaang nakatulog ang biktima.

Gayunman, kuwestiyonable din sa mga awtoridad ang mga pasa at hiwa ng biktima sa katawan kung kaya’t nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman kung may foul play sa insidente. (Lordeth Bonilla)

Show comments