^

Metro

Criminology student, utas sa lasing

-
Hindi na matutupad ng isang criminology student ang kanyang pangarap na maging pulis nang pagsasaksakin ng lasing na kapitbahay kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dead on the spot ang biktimang si Reycell Almeda, 17, 2nd year student ng University of Manila at residente ng Int. 8 Brgy. Old Balara, Quezon City.

Mabilis namang tumakas ang suspect na nakilalang si Rogelio dela Cruz, 23, matapos ang pananaksak.

Sa imbestigasyon ni PO3 Joseph Dino ng QCPD-CID, dakong alas-6 ng gabi ng maganap ang insidente ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.

Nakatayo ang biktima nang biglang sumulpot ang suspect na susuray-suray at kinompronta ang una. Binalewala naman ito ng biktima.

Subalit bigla na lamang inakbayan ng suspect ang biktima at inundayan ito ng saksak. Nabatid na may matagal nang alitan ang dalawa na posibleng motibo ng pamamaslang ng suspect sa biktima. (Doris Franche)

BINALEWALA

BRGY

CRUZ

DORIS FRANCHE

JOSEPH DINO

MABILIS

OLD BALARA

QUEZON CITY

REYCELL ALMEDA

UNIVERSITY OF MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with