1 pang salvage victim, natagpuan
May 7, 2006 | 12:00am
Tadtad ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan at itinali pa ng packing tape ang mga kamay ng isang hindi pa nakikilalang lalaking pinaniniwalaang biktima ng salvage na natagpuan kahapon ng umaga sa Taguig City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Taguig City Police, dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ng ilang residente sa C-6 Road, Bagong Calzada, Brgy. Ususan ng nabanggit na lungsod ang bangkay.
Tinatayang nasa 55 talampakan ang taas ng biktima, crew cut ang gupit, mataba at nakasuot ng pulang short.
Malaki ang hinala ng pulisya sa ibang lugar pinaslang ang biktima.
Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinagawa ng mga awtoridad ukol dito. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest