^

Metro

5 holdaper timbog dahil sa text

-
Nang dahil sa mabilis na pagkaka-text sa 117 ay natimbog ng pulisya ang limang mga notoryus na holdaper, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina Jonathan Legaspi, 20; Carlos Buitizon, 25; Ronald Doctor, 21; Joseph Castillo, 24 at Reynaldo Lerio, 18.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng umaga nang maaresto ang mga suspect sa EDSA sa panulukan ng Gen. Simon St., Brgy. 81, Caloocan City makaraang biktimahin ng mga ito ang isang babaeng barangay tanod.

Nabatid sa biktimang si Maria Nona Cabrido, 40, ng 122 B. Natividad St., Brgy. 81 na kasalukuyan umano niyang ginagamit ang kanyang cellular phone nang lapitan siya ng mga armadong suspect na agad na nagdeklara ng holdap.

Habang puwersahang kinukuha umano ng mga suspect ang handbag ng biktima ay nagawa namang makapag-text pa ng huli sa 117 at makahingi ng saklolo sa pulisya.

Kaagad namang nakaresponde ang mga elemento ng Caloocan City Police at naabutan pa ng mga ito ang mga suspect at agad na naaresto. (Rose Tamayo Tesoro)

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CARLOS BUITIZON

JONATHAN LEGASPI

JOSEPH CASTILLO

MARIA NONA CABRIDO

NATIVIDAD ST.

REYNALDO LERIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with