Pulis na carjacker nakapagpiyansa ng P760,000
May 6, 2006 | 12:00am
Matapos na mahuli sa dalawang beses na kasong carjacking ay pansamantalang nakalaya ang isang PO1 na pulis matapos na makapagpiyansa ito ng P760,000 sa korte.
Si PO1 Arnold Adto, dating nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig at miyembro ng "Doce Pares Gang" ay nakapagpiyansa ng nasabing halaga sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC matapos sampahan ng kasong 2 counts of carjacking at robbery sa Quezon City pa lang.
Dahil dito, inatasan ni PNP Chief Arturo Lomibao si NCRPO chief Vidal Querol na ilagay sa restrictive custody sa Camp Bagong Diwa si Adto upang hindi na makagawa pa ng ilegal na gawain at mapasama sa inaanibang grupong Doce Pares.
Matatandaang si Adto ay naaresto noong huling linggo ng Marso sa Bocaue Exit ng North Luzon Expressway nang masakote ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City at Bulacan PNP.
Si Adto ay isa sa mga carjackers na tumangay ng Toyota Land Cruiser at Toyota Fortuner sa Quezon City. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended