Nagkakaisang inihayag nina Claire dela Fuente, pangulo ng Metro Manila Bus Operators Association (MMBOA), Elena Ong, pangulo ng Inter-City Bus Operators Association (Inter-BOA), Eleonor Santos ng NEMBOG at Southern Luzon Bus Operators Association ang paghingi ng P2 dagdag sa singil sa pasahe sa regular buses sa Metro Manila.
Anila, napapanahon na ang pagtataas sa singil sa pasahe sa mga regular buses dahilan sa patuloy na pagtaas ng halaga ng petroleum products tulad ng gasolina at diesel, pagtaas ng halaga ng spare parts at bayarin sa mga serbisyo.
Sa panig naman ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) na armiyendahan na lamang nila ang naunang fare increase petition na naisampa noon sa LTFRB.
Umaabot sa P135.00 ang regular fee sa unang kilometro sa mga bus patungong probinsiya at nais nila itong taasan ng halagang 25 centavos per kilometer. (Angie dela Cruz)