^

Metro

P2 taas-pasahe sa bus hirit

-
Matapos na maghayag ang mga pampasaherong jeep partikular ang FEJODAP at ALDOTAP na sila ay magtataas ng singil sa pasahe ng P1.25 sa minimum fare, P2 naman ang nais na maitaas sa pasahe sa mga pampasaherong bus sa Metro Manila.

Nagkakaisang inihayag nina Claire dela Fuente, pangulo ng Metro Manila Bus Operators Association (MMBOA), Elena Ong, pangulo ng Inter-City Bus Operators Association (Inter-BOA), Eleonor Santos ng NEMBOG at Southern Luzon Bus Operators Association ang paghingi ng P2 dagdag sa singil sa pasahe sa regular buses sa Metro Manila.

Anila, napapanahon na ang pagtataas sa singil sa pasahe sa mga regular buses dahilan sa patuloy na pagtaas ng halaga ng petroleum products tulad ng gasolina at diesel, pagtaas ng halaga ng spare parts at bayarin sa mga serbisyo.

Sa panig naman ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) na armiyendahan na lamang nila ang naunang fare increase petition na naisampa noon sa LTFRB.

Umaabot sa P135.00 ang regular fee sa unang kilometro sa mga bus patungong probinsiya at nais nila itong taasan ng halagang 25 centavos per kilometer. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANILA

BUS

ELENA ONG

ELEONOR SANTOS

INTER-CITY BUS OPERATORS ASSOCIATION

METRO MANILA

METRO MANILA BUS OPERATORS ASSOCIATION

PROVINCIAL BUS OPERATORS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

SOUTHERN LUZON BUS OPERATORS ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with