Casino sa QC no way! Coun. de Guzman
May 3, 2006 | 12:00am
Tiniyak ni Quezon City 3rd District Councilor at Assistant Majority Floor Leader Dante de Guzman na hindi papayagan sa lungsod ang operasyon ng internet casino bagamat may business permit ang mga nagnenegosyo nito.
Ang paniniyak ay ginawa ni de Guzman bunsod na rin ng pagbabawal sa lungsod ng operasyon ng kahit na anong uri ng sugal na nakasaad sa QC Charter na walang pinahihintulutang anumang uri ng sugal.
Ayon kay de Guzman iligal ang operasyon ng mga internet casino kung kayat iligal din ang mga inisyung business permit sa mga ito bagamat pinayagan na ng city council ang operasyon nito.
Sa katunayan aniya, ay inutos ni QC Mayor Feliciano Belmonte ang pagpapatigil sa operasyon ng Small Town Lottery (STL) matapos na mabigo ang may-ari nito na makapagpakita ng business permit.
Lumilitaw na umaabot sa 14 internet casino ang binigyan ng permit ng QC Permit and Licensing Office na ilan dito ay ang WR Gaming Entertainment Corp., Running Mate Inc., Pwersun Corp., Big Game Inc., Lucky 321 Corp. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest