^

Metro

Kaso vs misis ni Sen. Lapid, ibinasura

-
Ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) ang kasong malicious mischief at theft na isinampa ni dating Miss International at aktres na si Melanie Marquez laban sa misis ni Senator Lito Lapid bunga na rin ng kawalan ng sapat na dahilan.

Ayon kay Assistant City Prosecutor Pedro Tresvalles, wala umanong sapat na batayan upang idiin sa nasabing kaso ang misis ni Lapid na si Marissa.

Nagsampa ng kaso si Marquez, Mimilanie Marquez sa tunay na buhay matapos nitong malaman sa isang talkshow noong Oktubre 3, 2004 na ito umano ang nagnakaw ng kanyang bag at nagbutas ng gulong ng kanyang kotse 21 taon na ang nakararaan.

Ayon sa aktres, doon na rin niya naalala na noong 1982 ng nagmamadali siyang pumasok sa kanyang bahay at iniwan sa kotse ang kanyang bag na nakaparada sa kalsada. Subalit napansin niyang plat ang apat na gulong ng kanyang kotse at nawawala na ang kanyang bag na naglalaman ng P50,000 na nakalaang pambayad sa ospital ng kanyang anak.

Aniya, sinisi niya ang kanyang sarili hanggang sa aminin umano noong Oktubre 3, 2004 ni Marissa ang kanyang ginawa.

Subalit sa kanyang counter-affidavit, mariing itinanggi ni Marissa ang alegasyon sa pagsasabing ang kasong isinampa ni Marquez laban sa kanya ay ganti sa pagsasampa niya ng kasong libelo laban dito sa Pampanga Prosecutor’s Office. Aniya, ang reklamo ni Marquez ay may 21 taon nang nakalilipas. (Doris Franche)

ANIYA

ASSISTANT CITY PROSECUTOR PEDRO TRESVALLES

AYON

DORIS FRANCHE

KANYANG

MARISSA

MARQUEZ

MELANIE MARQUEZ

MIMILANIE MARQUEZ

MISS INTERNATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with