23-anyos kinatay habang naliligo
May 2, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 23-anyos na lalaki makaraang pagtulungang saksakin ng isang grupo ng kalalakihan na tulak sa ilegal na droga habang naliligo, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.
Namatay noon din sanhi ng tinamong mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Randy Peralta, ng Blk. 68 Palay St., Tumana Brgy. Concepcion Uno ng lungsod, samantala agad namang tumakas ang limang kalalakihan na ang isa ay nakilalang si Marlon Santos, alyas Pogi at kilalang notoryus na drug pusher sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3:50 ng hapon habang naliligo ang biktima sa harapan ng kanilang bahay nang bigla na lamang lapitan ng mga suspect na armado ng mga patalim.
Walang sabi-sabing inundayan ng mga salarin ng sunud-sunod na saksak sa katawan ang biktima bago nagsitakas patungo sa ibat-ibang direksyon.
Malaki ang paniwala ng pulisya na may kinalaman sa droga ang ugat ng nasabing krimen dahil si Santos ay kilala bilang isa sa kilabot na tulak ng droga sa lugar.
Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng pulisya para sa agarang ikadarakip ng mga suspect. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended