Holdaper kritikal, kinuyog, niratrat ng taumbayan
May 2, 2006 | 12:00am
Agaw-buhay sa pagamutan ang isang notoryus na holdaper makaraang makipagpalitan ito ng putok sa mga humahabol na taumbayan matapos na holdapin ng una ang isang pampasaherong jeep, kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Navotas.
Kasalukuyang inoobserbahan sa intensive care unit (ICU) ng Tondo Medical Center (TMC), sanhi ng tama ng bala sa dibdib si Allan Castro, alyas "Metallica", residente ng Market 111, Navotas Fish Port Complex, (NFPC), North Bay Boulevard North (NBBN), nabanggit na bayan.
Batay sa ulat, pasado alas-12 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng M. Naval St., Brgy. San Jose, Navotas.
Nag-ugat ang pamamaril sa suspect ng taumbayan makaraang holdapin ng una gamit ang isang di mabatid na kalibre ng baril ang isang pampasaherong jeep mula sa Monumento patungong Navotas at tinangay ang mga cellular phone, pera at alahas ng mga pasahero.
Dahil sa takot umano ng mga pasahero ay isa-isang naglundangan ang mga ito mula sa nasabing jeep na nakatawag pansin naman sa ilang mga taumbayan.
Dito nagsimula ang umaatikabong habulan sa pagitan ng mga taumbayan at ng suspect hanggang sa makarating ang mga ito sa M. Naval St. at magpaputok ang huli na ginantihan naman ng mga humahabol dito.
Isa sa mga bala mula sa humahabol na taumbayan ang nakasapol sa dibdib ng suspect dahilan upang tumimbuwang ito sa kalsada. Bagamat narekober naman ng taumbayan mula sa duguang suspect ang mga nakulimbat ay dinala pa rin ng mga ito ang huli sa nabanggit na pagamutan. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended