Warrant of arrest vs 5 Chinese
May 1, 2006 | 12:00am
Hiniling ni Atty. Leonard De Vera sa Branch 114 ng Pasay City Regional Trial Court ang pag-iisyu ng warrant of arrest laban sa lima sa anim na akusado sa pagpatay kay Emerson Shi na isang casino financier noong nakaraang taon.
Nananatiling malaya pa rin sina Lee Wei Jiang, alyas Anthony Lee; Huang Hong , alyas Xiao Feng; William Co; Yun Yao Fen at isang alyas Oti. Ang pang- anim na akusado na si Allan Mendoza Sy ay agad na naaresto noong Disyembre 9, 2005 sa NAIA habang papatakas papuntang China.
Bukod sa warrant of arrest, hiniling din ni De Vera na magpalabas ng Hold Departure Order ang mga ito upang hindi makalabas ng bansa.
Matatandaan na halos maputol ang ulo ni Shi nang matagpuan ito sa Macapagal Ave. sa Pasay City noong Disyembre 1, 2005. Kilala din ito sa pangalang Joseph Go.
Nag-ugat ang pamamaslang kay Shi nang magkautang umano si Sy dito at ang pagkakaungkat ng matagal ng alitan ng biktima at ni Lee.
Lumilitaw sa impormasyon na isinumite ni Asst. Prosecutor Jaime Umpa, na niyaya muna ng mga suspect ang biktima at saka isinagawa ang pagpaslang at pagkuha sa pera nitong nagkakahalaga ng P200,000 at dalawang cellphone. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am