QC shootout: 5 holdaper utas
May 1, 2006 | 12:00am
Limang miyembro ng Waray-Waray Gang ang nasawi habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon nang makipagbarilan sa mga tauhan ng Quezon City Police District kahapon ng hapon sa Quezon City.
Pawang mga dead-on-the-spot ang mga suspect na nakilalang si Ethan Nedre, isang alyas Buyo na umanoy lider ng grupo, Dodong, Joseph at Nonong matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan. Isa pang biktima na nasa ospital ang kinikilala ng mga awtoridad.
Ayon kay Sr. Insp. Rodelio Marcelo ng QCPD-PID, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang engkuwentro sa may Republic Ave. Brgy. Holy Spirit, QC.
Sinabi ni Marcelo na dalawang linggo na nilang under surveillance ang mga suspect na tangka na namang mambiktima.
Sisitahin nila ang mga ito nang biglang magpaputok ang mga suspect kung kayat napilitan na ring gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng lima.
Narekober sa lugar ang isang kalibre .45, dalawang . 38, .9mm pistol at sumpak ng mga salarin.
Nabatid kay Marcelo na ang mga napatay na suspect ay pawang mga responsable sa sunud-sunod na holdapan at patayan sa lungsod kabilang na ang pagpatay sa pulis na si SPO3 Eden Macairan ng Mobile Patrol Unit at sa isang Chinese national na hinoldap ng mga ito at nakuhanan ng P1.2 milyon payroll money. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am