^

Metro

Manila’s armour, nakatoka na magbantay sa Malacañang

-
Bilang paghahanda sa mga militanteng grupo na magtatangkang magtungo at pasukin ang Palasyo ng Malacañang bukas bilang paggunita sa Labor Day, inilunsad ng Manila Police District (MPD) ang "Manila’s Armour".

Ayon kay MPD director Chief Supt. Pedro Bulaong, ang pagsisimula ng "Manila’s Armour" ay naglalayon na mapigilan ang posibleng banta ng mga raliyista at iba pang grupo at magbantay na rin sa ilang vital government at private installation bukas, Mayo 1.

Iginiit pa nito na handa ang MPD na ipatupad ang Labor Day security and contingency plan sa posibleng gulo at demonstrasyon sa Maynila.

Nilinaw naman nito na ang activation ng Manila’s Armour ay bilang tugon na rin sa National Capital Region Police Office (NCRPO) Task Force Manila shield na kanila nang sinimulan ngayong Abril 30, 2006.

Idinagdag pa ni Bulaong na ang lahat ng miyembro ng Manila’s armour ay inatasan na ipatupad ang maximum tolerance upang maiwasan ang sakitan sa pagitan ng pulisya at mga raliyista. Subalit iginiit pa rin nito na mahigpit pa ring ipatutupad ng MPD ang "no permit, no rally" policy na nakabase sa Batas Pambansa 880 o ang batas na nagbabawal sa illegal assembly. (Gemma Amargo-Garcia)

ABRIL

AYON

BATAS PAMBANSA

CHIEF SUPT

GEMMA AMARGO-GARCIA

LABOR DAY

MANILA POLICE DISTRICT

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PEDRO BULAONG

TASK FORCE MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with