^

Metro

6 Comelec officials kinasuhan ni Lacuna

-
Nagsampa ng kaso sa korte kamakailan si Manila Vice- mayor Danny Lacuna laban sa anim na election officer ng Comelec sa lungsod upang pigilin ang mga ito sa pagberipika ng mga lagdang nakalap ng grupong ‘Sigaw ng Bayan’ para sa layuning maamyendahan ang Konstitusyon.

Sa kasong iniharap ni Lacuna sa Manila Regional Trial Court hiniling nito sa korte ang pag-iisyu ng temporary restraining order (TRO) at ng isang Writ of Prohibition upang permanenteng mapigilan ang pagsali ng Comelec sa pagtulak sa Chacha sa pamamagitan ng pagberipika sa mga sinasabing lagdang nakalap ng grupo sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Ayon kay Lacuna, dahil sa kawalan ng isang sapat na batas na magbibigay ng tama at sapat na alituntunin sa pagbalangkas ng isang people’s initiative, hindi ito maaaring gawin.

Ang pagsagawa ng Comelec ng beripikasyon sa mga sinasabing lagda ayon sa pangkasalukuyang sitwasyon ay pagsasayang lamang ng panahon o kaban ng bayan.

AYON

BAYAN

CHACHA

COMELEC

DANNY LACUNA

KONSTITUSYON

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MANILA VICE

METRO MANILA

WRIT OF PROHIBITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with