Sekretarya ng FED timbog sa kotong
April 29, 2006 | 12:00am
Isang extortionist na sekretarya ng hepe ng Firearms Licensing Branch ng Firearms and Explosives Division (FED) ng PNP-Civil Security Group (CSG) ang inaresto ng mga elemento ng Civil Security Group matapos maaktuhang nangongotong sa illegal na pagbebenta ng gun safety seminar certificate sa entrapment operations sa Camp Crame kamakalawa.
Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni PNP-CSG Director Chief Supt. Leonardo Dionisio ang nadakip na suspect na si Sol Bargan, 48, residente ng #50 13th Avenue, Murphy, ng naturang lungsod.
Ayon kay Dionisio, bandang alas-3 ng hapon nang masakote ng kanyang mga tauhan sa pamumuno ni Insp. Rolando Columna, chief operations ng CSG ang suspect sa entrapment operation sa tanggapan ng Firearms and Explosives Division Bldg. sa Camp Crame.
Nabatid na si Bargan ay nakatalagang secretary ng hepe ng Firearms Licensing Branch ng Firearms and Explosives Division ng CSG. Lingid sa kaalaman ng suspect ay matagal nang minomonitor ng mga intelligence operatives ang ilegal nitong aktibidad matapos silang makatanggap ng reklamo mula sa mga personalidad na nagpapalisensiya ng baril.
Hindi na nakapalag ang suspect matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng Gun Safety Seminar Certificate ng ZAP Shooters & Hunters Association Inc. King Laudemer Gagarin at Jaime Guarin Jr. sa halagang P500 bawat isa.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang mga certificates, order of payments at special bank receipts, gun safety certificate ng ZAP Shooters and Hunters Association Inc. at iba pa. Sinampahan na ang suspect ng kasong paglabag sa RA 3019 o ang Anti-Graft Corrupt Practices Act. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended