Ninong dinedo ang inaanak
April 27, 2006 | 12:00am
Nagawang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng isang 46-anyos na driver ang kanyang inaanak matapos na magtalo sa boundary ng lupa ng kinatitirikan nilang bahay, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Mabilis na tumakas ang suspect na si Eleuterio Camito, ng Saint Jude St., Villanueva Village, Brgy. San Dionisio ng nabanggit na lungsod.
Samantalang ang biktima na hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Olivarez Medical Center ay nakilalang si Roderick Gonzales, 29, welder, na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa bahay ng biktima sa 23 Saint Jude St., Villanueva Village, Brgy. San Dionisio, Parañaque City.
Nabatid na bago maganap ang insidente, nag-inuman muna ang biktima at suspect kung saan inaanak sa kasal ng huli ang una.
Sa gitna ng inuman ay nauwi ang usapan hinggil sa boundary ng lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay.
Inakusahan ng suspect ang biktima na lumagpas sa boundary na dito na nagsimula ang mainitang pagtatalo.
Sandaling umalis ang suspect at pagbalik nito ay may dala nang baril hanggang sa pagbabarilin ang kanyang inaanak.
Mabilis na tumakas ang suspect nang makitang duguang humandusay ang biktima. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest