E-Patrol car ng LTO, inilunsad
April 27, 2006 | 12:00am
Pormal nang binuksan sa publiko sa pangunguna ni DOTC Secretary Leandro Mendoza at LTO Chief Anneli Lontoc ang kauna-unahang E-Patrol car ng LTO para ilapit ang serbisyo ng ahensiya sa masa.
Ang pagbubukas ng E-Patrol sa publiko ang isa sa mahalagang bahagi ng selebrasyon ng ika-94 anibersaryo ng LTO kahapon, kabilang pa ang job fair at ang pagbubukas ng drivers training center ng ahensiya para sa mga drivers na nais madagdagan ang kaalaman sa wastong pagmamaneho.
Ang E-Patrol ang milestone project ng DOTC at LTO sa pakikipagtulungan ng IT provider nitong Stradcom Corporation na layuning mailapit ang kanilang serbisyo sa taumbayan kabilang ang pagre-renew ng kanilang drivers license at pagrerehistro ng kanilang mga sasakyan.
"Magsisilbing mobile LTO office ang E-Patrol na iikot sa ibat-ibang lugar sa bansa na hindi makayanang maserbisyuhan ng regular na tanggapan ng LTO dahil sa problema sa lokasyon" pahayag pa ni Lontoc.
Samantala, bukod sa E-Patrol cars ng LTO, inilunsad din nito ang makabagong air-conditioned passenger jumbo jeepney na may sattelite TV broadcast at anti-carnapping device na bahagi ng modernization program sa transport industry.
Ipinakilala ng United Filipino Inventors Association (UFIA) sa isang demonstrasyon sa paggamit ng computerized anti-carnapping device na sinasabing sagot sa lumalaganap na carjacking sa Metro Manila.
Ayon kay Orlando Marquez, imbentor ng jumbo jeep at pangulo ng Philippine Jeepney Operators and Alliance Inc., may sikreto ang sasakyan kayat kahit nais itong ikumander ng carjacker ay hindi ito tatakbo dahil tanging may-ari lamang nito ang makakapag-operate sa naturang sasakyan. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended