^

Metro

Doktor, 2 trader dawit sa pamemeke ng dolyar, timbog

-
Nasa kamay ngayon ng Quezon City Police District-District Intelligence and Investigation Division (QCPD-DIID) ang isang doktor at dalawang negosyante na sangkot sa pamemeke ng mga dolyar sa ilang lugar sa Metro Manila.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspect na nakilalang si Dr. Benjamin Tan, 74, Filinvest East, Cainta, Rizal; Jesus Cruz, 68, ng Parañaque City at Sharrif Ibrahim Albani, 34, ng Ermita, Maynila.

Ayon kay Supt. Roger James Brillantes, dakong alas-5:30 kamakalawa ng hapon nang isagawa ng mga pulis ang isang buy-bust operation matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa swindling activities ng tatlo.

Modus operandi ng grupo na biktimahin ang mga dayuhan at antique collectors sa pamamagitan ng pagbebenta ng pekeng US Federal Reserves/ Treasury Bond. Agad pinagplanuhan ng mga awtoridad ang operasyon sa Aberdeen Court kung saan nagpanggap na buyer ang isang pulis. Dinakma ang mga suspect sa aktong nag-aabutan ng kalakal.

Nasamsam ng mga pulis ang isang Mother Bronze na naglalaman ng 13 bronze slide na pinaniniwalaang pekeng Federal Reserve na nagkakahalaga ng $3 Trillion, isang Colt MKIV .45 pistol, isang van at ilang dokumento. (Doris Franche)

vuukle comment

ABERDEEN COURT

DORIS FRANCHE

DR. BENJAMIN TAN

FEDERAL RESERVE

FEDERAL RESERVES

FILINVEST EAST

JESUS CRUZ

METRO MANILA

MOTHER BRONZE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with