Koreano patay sa holdaper

Isang 50-anyos na Koreano ang napaslang ng hinihinalang holdaper, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang biktimang si Man Kim Hyun, negosyante at residente ng #45 Parch House Bldg., 227 EDSA Greenhills, Mandaluyong City.

Sa report ng pulisya, ganap na alas-3 ng madaling-araw ay isang taxi driver na si Edwin Morales ang nakakita sa biktima na naliligo sa dugo habang naglalakad sa may kahabaan ng 17th Avenue sa kanto ng P. Tuazon, Quezon City.

Dinala pa sa Quirino Medical Center ang naturang dayuhan subalit patay na ito nang makarating sa ospital makaraang maubusan ng dugo dahil sa sugat na tinamo nito sa kaliwang bahagi ng katawan.

Nawawala naman ang wallet at cellphone ng biktima kaya’t pagnanakaw ang tinitingnang motibo ng krimen ng pulisya.

Show comments