^

Metro

Pagkilos ng vigilantes sa Pasig, pinabubusisi

-
Dahil sa sunud-sunod na pagtatapon ng mga salvage victim sa Mapayapa compound na kinatitirikan ng sinalakay na tiangge ng shabu ay nababahala ang pamunuang lungsod ng Pasig at ipinag-utos ang malalimang imbestigasyon hinggil dito.

Ayon kay Pasig City Mayor Vicente "Enteng" Eusebio, ipinag-utos niya sa pulisya ang malalimang imbestigasyon matapos na wala pang isang buwan ay tatlong salvage victim na pinaniniwalaang mga drug pusher ang pinatay ng isang grupo na nagpakilalang vigilante at itinapon sa harapan ng Mapayapa compound na matatagpuan sa F. Soriano St., Brgy. Sto. Tomas, ng lungsod na ito.

Dagdag pa ni Eusebio, posibleng ang sunud-sunod na patayang nagaganap ay gawa ng mga taong may galit sa kanya at nais sirain ang kanyang pangalan.

Matatandaang nitong nakaraang Marso 23 ay natagpuan ang bangkay ng isang nagngangalang "Boy Idol", maintainer ng tiangge ng shabu na tadtad ng tama ng bala sa ulo at katawan. Sumunod namang natagpuan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki noong Abril 11 na tadtad din ng tama ng baril at nito lang Abril 16 ay bumulaga sa mga residente roon ang isa pang bangkay ng lalaki na may 21 saksak sa katawan. Ang lahat nang ito ay itinapon sa harapan ng ginibang shabu tiangge at inako ng isang grupo ng vigilante na ang nais umano ay malinis sa droga ang nasabing lungsod. (Edwin Balasa)

ABRIL

AYON

BOY IDOL

BRGY

DAGDAG

EDWIN BALASA

EUSEBIO

MAPAYAPA

PASIG CITY MAYOR VICENTE

SORIANO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with