Ambush: Estudyante patay, 1 pa kritikal
April 25, 2006 | 12:00am
Nasawi noon din ang isang estudyante, habang isa pang kaanak nito ang nasugatan makaraang tambangan ang mga ito ng mga armadong kalalakihan habang lulan sa isang sasakyan, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.
Hindi na umabot pa nang buhay sa Valenzuela General Hospital si Danred Saldivar, 19, ng Block 6, Lot 24, Natividad Town House, Brgy. Punturin ng nasabing lungsod.
Kasalukuyan namang inoobserbahan sa intensive care unit si Rommel Gonzales, 37, kaanak ng nasawi, isang AFP reservist ng Marilao, Bulacan.
Batay sa paunang imbestigasyon na isinagawa nina SPO1 Richie Garcia at PO3 Ronal Sanchez, dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang pananambang sa mga biktima sa entrance gate ng Natividad Town House sa Sta. Lucia Village, Phase 5, Brgy. Punturin, Valenzuela City.
Nabatid na kagagaling lamang ng mga biktima kasama ang ilang kamag-anak sa airport makaraang sunduin ang apat nilang kaanak.
Lulan ang magka-pamilya sa isang Hi-Ace van na may plakang RCS-379 at pagsapit sa may gate ng nasabing Town House ay biglang sumulpot ang mga suspect sakay ng dalawang motorsiklo at pawang armado ng matataas na kalibre ng baril. Ilang sandali pa ay walang habas na pinaulanan ng bala ng baril ang sasakyan ng mga biktima.
Agad na tinamaan si Zaldivar na ikinasawi nito, habang si Gonzales naman na bagamat sugatan ay nagawa pang makabunot ng kanyang service firearm at nakipagpalitan ng putok sa mga suspect.
Makalipas ang ilang minutong palitan ng putok ay napilitang tumakas ang mga suspect sakay ng kanilang motorsiklo.
Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang motibo sa isinagawang pananambang at kung sino ang posibleng gumawa nito. Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended