^

Metro

Bank exec pinatay, hindi nagpakamatay

-
Posibleng pinatay at hindi nagpakamatay ang isang bank executive ng Bank of the Philippine Islands (BPI) na natagpuang duguan at may tama ng bala ng baril sa sentido noong nakalipas na Abril 12 sa loob ng nasabing bangko sa Quezon City.

Batay sa ebidensiya ng pulisya, apat na putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng bangko at hindi isang putok lamang na tumama sa ulo ng biktimang si Ruben Cruz, 36, assistant manager sa BPI Katipunan Branch at naninirahan sa Teachers Village sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa pulisya, posibleng kilala ng biktima ang mga suspect na nakaalitan nito hanggang sa magkaroon ng pagtatalo na humantong sa pamamaril.

Maaaring tinakot muna ng suspect ang biktima na nagpaputok ng ilang ulit hanggang sa ang huli ay sa ulo na ng biktima ipinutok.

Imposible rin umanong hindi marinig ng mga security guard ang putok ng baril na nagmula sa loob ng bangko.

Bukod dito, nagtataka rin ang pulisya kung bakit malinis na ang .38 baril na umano’y ginamit ng biktima nang datnan ng mga tauhan ng QC-SOCO.

Kaugnay nito, ilang security guard ang isinailalim sa imbestigasyon at nakatakdang i-polygraph ng pulisya.

Nabatid na maging ang pamilya ni Cruz ay hindi matanggap na nag-suicide ito bagamat hinihintay pa rin nila ang resulta ng imbestigasyon. Lumilitaw pa na nakatakda sanang mag-out of town ang pamilya ng biktima na mismong ang nasawi pa ang namili ng lugar na kanila sanang pupuntahan bago ito makitang patay. (Doris Franche)

ABRIL

AYON

BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS

BATAY

BUKOD

DORIS FRANCHE

KATIPUNAN BRANCH

QUEZON CITY

RUBEN CRUZ

TEACHERS VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with