P1.7 milyon shabu nasamsam sa buy-bust
April 22, 2006 | 12:00am
Umaabot sa 350 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon ang nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong hinihinalang big time drug pushers sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod ng Muntinlupa.
Ayon kay PDEA Executive Director General Anselmo Avenido Jr., dakong alas-11 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan sa bisinidad ng A. Bautista St., Bayanan, Muntinlupa City.
Bago ito, nakatanggap ng tip ang tanggapan ng PDEA-NCR hinggil sa talamak na bentahan ng droga sa naturang lugar.
Sa nasabing operasyon ay nakasamsam ang PDEA operatives ng 300 gramo ng shabu na may katumbas na halagang P1.5 milyon matapos na masakote ang dalawang bigtime pushers.
Nakilala ang mga nadakip na sina Marilyn Santos, alyas Marlyn, 39, ng Muntinlupa City at Arlene Valera, 36, ng Lumban, Laguna.
Sumunod namang nasakote sa panibagong operasyon si Lorna de Guzman, 34, ng Makati City kung saan nakuha rito ang shabu na nagkakahalaga ng may P.2 milyon. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am