Harurot Gang sumalakay
April 22, 2006 | 12:00am
Nalusutan ng limang armadong holdaper ang ipinagmamalaking police visibility ng Manila Police District (MPD) matapos na looban ang isang sangay ng Mercury Drug na ilang metro lamang ang layo sa Sta. Ana police station, kamakalawa ng gabi.
Isinugod naman sa Ospital ng Maynila matapos na tamaan ng bala sa puwitan ang security guard na si Ariel Rocabo, 27, ng Jimenez Security Agency at residente ng Aurora Blvd., Sta. Cruz, Maynila.
Nakatakas naman ang limang pinaniniwalaang miyembro ng grupong "Harurot Gang". Inilarawan naman ni Rocabo ang isa sa mga suspect na mestiso, matangkad, payat at nakasuot ng pang-cowboy na sumbrero.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:50 ng gabi nang magpanggap na kostumer ang limang suspect na pumasok sa Mercury Drug sa Agusto Francisco St., Pasig Line,. Sta. Ana.
Agad na dinisarmahan ng mga suspect ang isa sa mga guwardiya na si Rod Navarro, 39; at saka nagdeklara ng holdap. Dinisarmahan din ng mga suspect ang sekyu ngunit nagtangka itong manlaban kaya pinaputukan ng mga suspect at tinamaan sa puwitan.
Inabot lamang ng limang minuto ang isinagawang panghoholdap kung saan natangay ng mga suspect ang lahat ng pera sa kaha na hindi pa mabatid kung magkano ang halaga at saka mabilis na nagsitakas. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest