2 carjackers timbog
April 20, 2006 | 12:00am
Dalawang pinaniniwalaang carjacker kabilang dito ang isang miyembro ng Philippine Marines na nasibak sa serbisyo ang nadakip ng pulisya matapos maunsiyami ang tangkang pangka-carjack, kamakalawa sa Parañaque City.
Nakilala ang mga nadakip na sina Renato Notarte, 33, ex-Marine at Anthony Dolor, 24.
Nakilala naman ang kanilang huling biktima na si Rameses de Garcia, 27, ng Las Piñas City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa harapan ng Dimension Bldg. na matatagpuan sa kahabaan ng Elizalde Avenue, Brgy. B.F. Homes, Parañaque.
Kasalukuyang nasa loob ng kanyang sasakyang Honda Civic na itim na may plakang UJU-198 ang biktima nang biglang lapitan ng dalawang suspect. Agad na tinutukan ang biktima ng baril at kinaladkad palabas ng sasakyan. Pumalag ang biktima na nakatawag pansin sa nakatalagang guwardiya sa Dimension Bldg. na naging dahilan upang tumawag ito ng mga pulis.
Papatakas na sana ang mga suspect tangay ang sasakyan ng biktima nang masabat ng mga nagrespondeng pulis at nabawi ang sasakyan ng biktima. Inihahanda na ang kaso laban sa dalawang nadakip. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest