2 Chinese big-time drug dealer arestado
April 20, 2006 | 12:00am
Bumagsak sa mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang dalawang Chinese nationals na itinuturing na most wanted drug manufacturers sa isinagawang operasyon sa EDSA sa Quezon City.
Sa press briefing sa Camp Crame, iprinisinta sa mediamen ang mga suspect na sina Ronald Yao Cruz at Chua Lin Yen, kapwa Fujian-born Chinese nationals.
Ang mga ito ay nadakip, dakong alas-5 ng hapon matapos ang masusing surveillance operation ng mga awtoridad sa illegal nitong mga aktibidad.
Ang dalawa ay kapwa may standing warrant of arrest sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 at kabilang sa Order of Battle ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may patong sa ulo na tig-P300,000.
Una nang nasakote ang dalawa kasama ang isa pang Chinese national na si Wen Jin Cai, alyas Rodel Uy dahil sa pagbebenta ng droga sa Magallanes, Makati City. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended