Dead-on-arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon sanhi ng saksak sa dibdib at iba pang parte ng katawan ang biktimang si Cleo Lopez, ng Block 1, Lot 22, Phase 4, Letre Road, Brgy. Tonsuya ng nabanggit na lungsod.
Kasalukuyan namang nakapiit matapos na maaresto ng mga nagpapatrulyang barangay tanod si Ramil Andriatico, 39, habang pinaghahanap pa ang kapatid nito na si Raul, 37.
Ayon kay PO3 Benedicto Zafra, may hawak ng kaso, dakong ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Phase 2, Letre, Tonsuya.
Nabatid na patungo sana sa isang tindahan ang biktima kasama ang kaibigan nitong si Jimboy nang biglang salubungin ng mga suspect at hiningian ng pang-inom.
Tumangging magbigay ang biktima ng pera sa mga suspect na labis namang ikinairita ng mga huli, hanggang sa bumunot ang mga ito ng patalim at kapwa inundayan ng sunud-sunod na saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang una. (Rose Tamayo-Tesoro)