Tondo demolition inulan ng bomba at bato
April 20, 2006 | 12:00am
Naging marahas ang tangkang demolisyon sa isang squatters area sa Baseco Compound sa Tondo matapos na paulanan ng mga molotov bomb at malalaking tipak ng bato ng mga galit na residente ang demolition team at miyembro ng pulisya, kahapon ng umaga sa Maynila.
Dalawa sa mga residente ang iniulat na dinakip ng mga miyembro ng MPD-Special Weapons and Tactics Unit ngunit nagawa ring makatakas sa kaguluhan, habang anim na molotov bomb ang nakumpiska.
Ilan naman sa mga demolition team ang nasugatan sa pambabato kung saan isa rito ay nakilalang si Eduardo Sangal, ng Manila City Engineers Office.
Nabatid sa ulat na rumesponde sa naturang lugar ang mga miyembro ng SWAT matapos na humingi ng alalay si Engr. Joseph Bulanon ng Manila City hall sa isasagawa nilang demolisyon.
Sinabi nito na may hawak silang kautusan buhat sa korte para isakatuparan ang demolisyon matapos na mapatunayan na pawang hindi mga orihinal na residente ng Baseco Compound ang mga naninirahan sa dulo nito na hindi naisailalim sa housing project ng Habitat Foundation at ng gobyerno.
Nagsagawa naman ng barikada ang mga residente nang dumating ang demolition team hanggang sa magpaulan na ng mga bato at molotov bomb. Natigil lamang ang naturang kaguluhan nang rumesponde ang mga pulis at tutukan ng baril ang mga nagwawalang residente.
Binigyan naman ng isang linggong taning ang mga residente upang magpakita ng mga sapat na dokumento na nagpapatunay na lehitimo silang residente at hindi dayo lamang sa lugar.
Ayon naman sa mga nagrereklamong residente, may bahid ng politika ang pagpapatalsik sa kanila sa naturang lugar matapos na hindi nila suportahan ang kandidatura ng anak ni Manila Mayor Lito Atienza kundi ang nanalong si Congressman Joey Hizon.
Nabatid na ito na ang ikatlong pagtatangka na magsagawa ng demolisyon sa lugar ngunit nabigo pa rin. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended