Tone-toneladang double dead meat nasamsam

Tone-toneladang double dead na karne ng baboy ang nasakote ng mga awtoridad matapos na salakayin ang isang midnight market sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Isinagawa ang raid sa isang wet market na tinatawag na White House na nasa Taft Avenue, Brgy. 93 ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na elemento ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng Meat Inspection Commission makaraang makatanggap ng maraming reklamo tungkol sa talamak na bentahan ng double dead meat sa lugar.

Nasamsam ang double dead meat sa limang puwesto rito.

Inaalam pa rin kung sino ang nagmamay-ari sa naturang establisimento. (Lordeth Bonilla)

Show comments