^

Metro

Vendor patay sa 3 holdaper

-
Isang vendor na nagmagandang loob na tumulong ang pinagbabaril hanggang mapatay ng tatlong holdaper matapos na magsisigaw ang una at pagbabatuhin ang mga suspect na nasaksihan nitong nanloloob sa isang lotto outlet ng PCSO kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Nasawi noon din ang biktimang si Roberto Padilla, alyas Jeff-Jeff, 31, binata ng Guyabano St., Brgy. CAA Compound ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang nagsitakas ang tatlong hindi pa nakikilalang mga suspect matapos ang isinagawang panghoholdap.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa lotto outlet ng PCSO na matatagpuan sa 3175 Real St., Brgy. Talon 1, Las Piñas City.

Nabatid na nagbabantay sa nasabing outlet ang magkapatid na operator na sina Bernadette, 23; at Charmaine Tungkol, 22, nang biglang sumalakay ang mga suspect at kinulimbat ang mga pera at cellphone ng mga ito.

Nagkataon naman na nagtitinda noon ang biktima at nasaksihan ang panghoholdap sa magkapatid kung kaya nagsisigaw ito para humingi ng tulong at saka pinagbabato pa ang mga suspect.

Dahil dito, siya ang pinuntiryang barilin ng mga suspect na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan. (Lordeth Bonilla)

BERNADETTE

BRGY

CHARMAINE TUNGKOL

DAHIL

GUYABANO ST.

LAS PI

LORDETH BONILLA

REAL ST.

ROBERTO PADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with