^

Metro

Iranian na miyembro ng fake credit card gang arestado

-
Isang Iranian national na hinihinalang miyembro ng isang notoryus na fake credit card syndicate ang nasakote ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isinagawang operasyon sa Quezon City.

Iniharap sa mediamen ni PNP-CIDG Deputy Director Chief Supt. Pedro Tangco ang nasakoteng dayuhang suspect na kinilalang si Mohammad Panahandeh, 46, at residente ng Las Casas, Daang Batang St., Moonwalk, Parañaque City.

Ayon kay Tangco, ang suspect ay gumagamit ng mga alyas na Syros Borzo, Arie Kaklonolee Panahandeh sa illegal nitong operasyon.

Nabatid na bandang alas-4:45 ng hapon kamakalawa nang masakote ang suspect matapos gumamit ng pekeng Citibank Visa Card sa mga pinamili nitong grocery na nagkakahalaga ng P6,652.22 sa Shopwise supermarket sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Sinabi ng opisyal na ang suspect ay matagal na nilang isinasailalim sa masusing surveillance operation hinggil sa natanggap nilang impormasyon sa illegal nitong aktibidad.

Hindi na nakapalag si Panahandeh matapos dakpin ng mga operatiba ng PNP-CIDG. Nakuha rin sa pag-iingat nito ang isa pang pekeng Master card, Guam driver’s license, pawang nakapangalan sa alyas nitong Syros Borzo habang gumamit naman ito ng alyas na Arie Kaklonolee sa pekeng Citibank Visa card sa pamimili sa Shopwise.

Sa isinagawang beripikasyon, kinumpirma naman ng isang kinatawan ng Credit Card Association of the Philippines na pawang peke ang mga nasamsam na credit card mula sa pag-iingat ng manggagantsong Iranian.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 8484 o Access Devices Regulation Act at Article 178 ng Revised Penal Code ang nasakoteng suspect. (Joy Cantos)

ACCESS DEVICES REGULATION ACT

ARANETA CENTER

ARIE KAKLONOLEE

ARIE KAKLONOLEE PANAHANDEH

CITIBANK VISA

CITIBANK VISA CARD

CREDIT CARD ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

QUEZON CITY

SYROS BORZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with