Bukod kay Radovan, inireklamo rin sina SPO2 Geronimo Pastrana, SPO2 Rudy Barrameda at SPO2 Eric Sarinas bunga ng pagdakip kina David at Llamas habang ang mga ito ay patungo sa People Power Monument.
Kabilang sa mga kasong isinampa laban sa mga pulis ay ang paglabag sa Batas Pambansa 880 partikular ang illegal arrest, arbitrary detention, abuse of authority, grave misconduct at oppression.
Sinabi ni David na hindi makatarungan ang naging pagdakip sa kanila ng mga tauhan ni Radovan lalo pat wala naman silang nilalabag na anumang probisyon o batas.
Ipinaliwanag ni David na nais lamang nilang kuwestiyunin ang pagdedeklara ng state of national emergency ni Pangulong Arroyo noong araw na iyon.
Ani David, tila masyado lamang takot ang pamahalaan at pulis na makita ang tunay na hinaing ng publiko sa kasalukuyang administrasyon.