^

Metro

QCPD chief, 3 pa kinasuhan sa Ombudsman

- Doris Franche-Borja -
Pormal nang inireklamo sa tanggapan ng Ombudsman nina University of the Philippines (UP) Professor Randy David at Akbayan National Chairman Ronaldo Llamas si Quezon City Police District director Nicasio Radovan Jr. at tatlong tauhan nito kaugnay ng marahas na pagdakip sa kanila noong Edsa anniversary.

Bukod kay Radovan, inireklamo rin sina SPO2 Geronimo Pastrana, SPO2 Rudy Barrameda at SPO2 Eric Sarinas bunga ng pagdakip kina David at Llamas habang ang mga ito ay patungo sa People Power Monument.

Kabilang sa mga kasong isinampa laban sa mga pulis ay ang paglabag sa Batas Pambansa 880 partikular ang illegal arrest, arbitrary detention, abuse of authority, grave misconduct at oppression.

Sinabi ni David na hindi makatarungan ang naging pagdakip sa kanila ng mga tauhan ni Radovan lalo pa’t wala naman silang nilalabag na anumang probisyon o batas.

Ipinaliwanag ni David na nais lamang nilang kuwestiyunin ang pagdedeklara ng state of national emergency ni Pangulong Arroyo noong araw na iyon.

Ani David, tila masyado lamang takot ang pamahalaan at pulis na makita ang tunay na hinaing ng publiko sa kasalukuyang administrasyon.

AKBAYAN NATIONAL CHAIRMAN RONALDO LLAMAS

ANI DAVID

BATAS PAMBANSA

ERIC SARINAS

GERONIMO PASTRANA

NICASIO RADOVAN JR.

PANGULONG ARROYO

PEOPLE POWER MONUMENT

PROFESSOR RANDY DAVID

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with