Ang naturang hakbang ay sa gitna na rin ng impresyon sa pagiging trigger happy ng mga pulis at ilang ulit na kontrobersyang kinasasangkutan ng PNP-TMG katulad ng sinasabing shootout laban sa mga hinihinalang carjackers noong nakaraang taon at pamamaril sa isang negosyante na napagkamalan namang carjacker sa Pasig City nitong nakalipas na buwan.
Ayon kay PNP-TMG director Chief Supt. Errol Pan, sasanayin ni del Rosario ang mga TMG cops sa larangan ng self defense na kanilang epektibong magagamit sa mga operasyon partikular na sa anti-carjacking.
"I will teach them the fighting technique to disarm an assailant, discipline at character building lang ito, hindi sa lahat ng oras kailangang bunutin ang baril," ayon pa kay del Rosario. (Joy Cantos)