^

Metro

14-taong kulong vs akusado sa Mark Chua slay

-
Hinatulan na ng 14 na taong pagkakakulong ang isa sa mga kadete at akusado ng pamamaslang kay Mark Welson Chua na estudyante ng University of Santo Tomas (UST) noong 2001.

Dahil sa plea bargaining agreement na pinasok ng kampo ng akusadong si Eduardo Tabrilla, agad na pinataw ni Manila Regional Trial Court Judge Myra Fernandez ang hatol na pagkakabilanggo ng 12 hanggang 14 na taon dito.

Sa record ng korte, si Tabrilla ang ikalawa sa nahatulan sa kaso matapos na mahatulan ng death penalty si Arnulfo Aparri habang nakalalaya pa sina Joseph Tan at Michael Manangbao.

Matatandaan na isang opisyal ng ROTC si Chua sa UST at ang pagbubunyag nito ng mga iregularidad ang sinasabing dahilan ng kanyang kamatayan. Matapos ang exposé nito sa school organ na "The Varsitarian" ay natagpuan ang bangkay nito sa Ilog Pasig noong Marso 15, 2001. (Danilo Garcia)

ARNULFO APARRI

CHUA

DANILO GARCIA

EDUARDO TABRILLA

ILOG PASIG

JOSEPH TAN

MANILA REGIONAL TRIAL COURT JUDGE MYRA FERNANDEZ

MARK WELSON CHUA

MICHAEL MANANGBAO

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with